Makulimlim at may mga pag-uulan na sa malaking bahagi ng Northern Luzon dahil sa papalapit na bagyong Julian.
Magiging halos maulap na rin at may ilang mga pag-uulan sa malaking bahagi ng Central at Southern Luzon.
Pangkalahatang maayos naman sa nalalabing bahagi ng bansa.
Ang 𝗧𝗥𝗢𝗣𝗜𝗖𝗔𝗟 𝗗𝗘𝗣𝗥𝗘𝗦𝗦𝗜𝗢𝗡 𝗝𝗨𝗟𝗜𝗔𝗡 ay huling namataan ng state weather bureau sa layong 410 km sa silangan ng Aparri, Cagayan, kaninang 3:00 AM.
Ito ay may taglay pa rin na lakas ng hanging umaabot sa 55 km/h at pagbugso na 70 km/h. Kumikilos ito pa timog sa bilis lamang na 10 km/h.
Inaasahang 𝗹𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘀 𝗽𝗮 𝗯𝗮𝗴𝘆𝗼 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝘀𝘂𝘀𝘂𝗻𝗼𝗱 𝗻𝗮 𝗮𝗿𝗮𝘄 𝗮𝘁 𝗹𝗮𝗹𝗮𝗽𝗶𝘁 𝘀𝗮 𝗘𝘅𝘁𝗿𝗲𝗺𝗲 𝗡𝗼𝗿𝘁𝗵𝗲𝗿𝗻 𝗟𝘂𝘇𝗼𝗻 mula Linggo hanggang Martes. Pinakamararamdaman ang epekto nito sa Ilocos Norte, Apayao, Cagayan, at Batanes.
Ang bagyong JULIAN ay inaasahang magdudulot na ng 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗺𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘀 𝗻𝗮 𝗽𝗮𝗴-𝘂𝗹𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝗽𝗮𝗯𝘂𝗴𝘀𝘂-𝗯𝘂𝗴𝘀𝗼𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗶𝗻 sa Cagayan, kasama ang Babuyan Islands, ngayong araw.
Ang malawak na mga kaulapan naman ng bagyo ay magdudulot na rin ng 𝗺𝗮𝗸𝘂𝗹𝗶𝗺𝗹𝗶𝗺 𝗻𝗮 𝗽𝗮𝗽𝗮𝘄𝗶𝗿𝗶𝗻 𝗮𝘁 𝗸𝗮𝗹𝗮𝘁-𝗸𝗮𝗹𝗮𝘁 𝗻𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗽𝗮𝗴-𝘂𝘂𝗹𝗮𝗻 at thunderstorm sa nalalabing bahagi ng Northern Luzon.
Posibleng mag-landfall ang Bagyong Julian sa Batanes sa Lunes ng hapon o gabi (September 30) bilang isang Typhoon.
May posibilidad na magbago pa ang Track nito at posibleng mas lumapit pa ang sentro nito sa Extreme Northern Luzon.
Inaasahan na patuloy lalakas ang Bagyong Julian sa susunod na mga araw at maging isang Typhoon ngunit hindi inaalis ang posibilidad na maging isang Super Typhoon ito.
Sa mga susunod na oras ay maaaring 𝘂𝗻𝘁𝗶-𝘂𝗻𝘁𝗶 𝗻𝗮 𝗿𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗹𝗼𝘀 𝗺𝗮𝘂𝗹𝗮𝗽 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗺𝗮𝗸𝘂𝗹𝗶𝗺𝗹𝗶𝗺 at may ilang mga pag-ulan at thunderstorm sa Metro Manila at malaking bahagi ng Central at Southern Luzon.
𝗣𝗮𝗻𝗴𝗸𝗮𝗹𝗮𝗵𝗮𝘁𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗮𝘆𝗼𝘀 𝗻𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗮𝗵𝗼𝗻 sa nalalabing bahagi ng bansa at may tiyansa na lamang ng mga localized thunderstorm. Bukod sa bagyong JULIAN, 𝘄𝗮𝗹𝗮 𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗸𝗶𝗸𝗶𝘁𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗶𝗯𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗴𝘆𝗼 𝗻𝗮 𝗽𝗼𝘀𝗶𝗯𝗹𝗲𝗻𝗴 𝗱𝗶𝗿𝗲𝗸𝘁𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗸𝗮𝗮𝗽𝗲𝗸𝘁𝗼 𝘀𝗮 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗮𝘀 hanggang sa katapusan ng Setyembre.
Sa ngayon ay nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 1 sa Cagayan kabilang na ang Babuyan Islands, northeastern portion of Isabela (San Pablo, Divilacan, Maconacon, Palanan, Cabagan, Santa Maria, Tumauini, Ilagan City, San Mariano, Santo Tomas, Delfin Albano), at eastern portion of Apayao (Luna, Pudtol, Santa Marcela, Flora)