Ang sentro ng bagyong “Julian” ay nasa coastal waters ng Balintang Channel, Calayan, Cagayan.
Napanatili nito ang malakas na hangin na umaabot ng 155km/h malapit sa gitna at pagbugso na umaabot hanggang 190km/h.
Ito ay kumikilos patungong westward papuntang Batanes area sa bilis na 10km/h.
Hindi inaalis ang posibilidad na ito ay mag-landfall sa Batanes ngayong umaga o mamayang hapon.
Batay sa galaw ng bagyo, posibleng sandaling lalabas ng bansa subalit muling papasok sa PAR.
Inaasahan na tuluyang lalabas ng PAR ang bagyo sa Huwebes o sa Biyernes.
Samanatala, nakataas pa rin ang tropical signal number 4 sa Batanes at northern portion ng Babuyan Island, signal no. 3 sa nalalabing bahagi ng Babuyan islands, gayundin sa northern portion ng mainland Cagayan, signal no. 2 sa nalalabing bahagi ng Cagayan, Apayao, at Ilocos Norte habang signal no. 1 naman sa Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Abra, Kalinga, Ifugao, Mountain Province, Benguet, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Aurora at northern at eastern portion ng Nueva Ecija at sa Polillo islands.
Samantala, isa pang bagyo ang namataan sa labas ng Philippine Area of Responsibility.
Ang tropical storm “Jebi” ay nasa 2,010 kilometers east northeast ng extreme northern Luzon.
Napanatili ang taglay nitong lakas na hangin na sa 70 km/hr malapit sa gitna at may pabugso na hanggang 90 km/hr.