Lumakas ang bagyong “Julian” at ngayon ay nasa tropical storm category.

Namataan si Julian kaninang umaga sa layong 465 silangan ng Aparri, Cagayan.

May taglay itong lakas ng hangin na 65 km/hr malapit sa gitna at pabugso na hanggang 80 km/hr.

Kumikilos ang bagyo sa south southwestward ng mabagal.

Sa sususnod na mga oras, ito ay nasa 315 km east ng Aparri.

-- ADVERTISEMENT --

Sa loob ng 48 hrs., ito ay nasa 160 km east ng Isla ng Calayan, Cagayan at pagkatapos ng 72 hrs., nasa vicinity na ng Itbayat, Batanes.

Hindi naman inaalis posibilidad na mag-landfall ang bagyo habang papalapit ito sa Babuyan islands.

Posibleng lalo pa itong lalakas at maging isang super tyhoon lalo na kung magkakaroon ng rapid intensification.

Nakataas ngayon ang typhoon wind signal sa Batanes, Cagayan, kabilang ang Babuyan, north at eastern portions ng Isabela-San Pablo, Divilacan, Maconacon, Palanan, Cabagan, Santa Maria, Tumauini, Ilagan City, San Mariano, Santo Tomas, Delfin Albano at Dinapigue, maging sa Apayao at Ilocos Norte.

Kahit signal no. 1 ang pinakamataas na signal ngayon, hindi tinatanggal ang posibilidad na itaas ito sa signal no. 4, lalo na kung lumapit si Julian sa ating landmass.