Bumibilis ang pagkilos ng tropical storm Kong-rey, na tatawagin naman na Leon sa sandaling pumasok sa Philippine area of Responsibility (PAR) habang napanatili ang lakas sa direksiyong westward.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), posibleng pumasok sa PAR ang bagyo sa Par mamayang gabi o bukas ng umaga, bagamat tinaya na ito ay malayo sa landmass ng bansa.

Sa 11 a.m. bulletin, sinabi ng Pagasa na ang Tropical Storm Kong-rey ay kumikilos sa bilis na 30 km/hr westward, mas mabilis sa 25 km/h na paggalaw nito kagabi.

Namataan ito sa layong 1,630 kilometers east ng Central Luzon kaninang 10 a.m., taglay ang lakas ng hangin na 65 km/hr malapit sa gitna na may pagbugso na 80 km/h.

Inaasaha na magiging severe tropical storm ang bagyo bukas, araw ng Linggo at lalo pang lalakas sa araw ng Lunes, October 28, at magiging ganap na bagyo.

-- ADVERTISEMENT --

Ang papalapit na tropical cyclone ay posibleng magbubunsod ng maalon na karagatan sa northern at eastern seaboards ng Luzon at eastern seaboards ng Visayas.