Lumakas bilang severe tropical storm ang Bagyong Kristine, base sa 5 p.m. update ng DOST-PAGASA ngayong Miyerkules, Oct. 23.
As of 4 p.m., namataan ang bagyo sa layong 175 km silangan ng Echague, Isabela. Taglay nito ang lakas ng hangin na 95 km/h at bugsong aabot sa 115 km/h. Kumikilos ito pahilaga-kanluran sa bilis na 20 km/h.
Base sa track and intensity outlook, lalakas pa ang bagyo hanggang sa mag-landfall ito sa Isabela ngayong gabi o bukas ng madaling araw.
Tatawid ito sa Northern Luzon at lalabas sa karagatan sa kanluran ng Ilocos Region bukas ng umaga.
Lalabas ang bagyo sa Philippine area of responsibility sa Biyernes.
-- ADVERTISEMENT --