Bahagyan bumibilis ang bagyo palayo ng kalupaan ng bansa.

Huli itong namataan sa layong 125 km West Northwest ng Bacnotan, La Union taglay ang lakas ng hangin na 95 km/h malapit sa gitna, at pagbugso na umaabot sa 115 km/h.

Kumikilos ito patungong West northwestward sa bilis na 25 km/h.

Nakataas parin ang tropical cyclone wind signal number 2 sa Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Apayao, Kalinga, Abra, Ifugao, Mountain Province, Benguet, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Aurora, Nueva Ecija, Tarlac, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, northern portion ng Cavite, northern portion ng Rizal at northern portion ng mainland Quezon.

Signal number 1 naman sa Batanes, nalalabing bahagi ng Rizal, nalalabing bahagi ng Cavite, Batangas, Laguna, nalalabing bahagi ng Quezon kabilang ang Polillo Islands, Occidental Mindoro kabilang ang Lubang Islands, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, northern portion ng mainland Palawan at iba pang bahagi ng Luzon ganundin sa parte ng Visayas sa Aklan, Capiz, Antique kabilang ang Caluya Islands, at northwestern portion ng Iloilo.

-- ADVERTISEMENT --