Patuloy ang paglapit ng bagyong Kristine sa kalupaan.
Huli itong namataan sa layong 390 kilometers silangan ng Virac, Catanduanes.
Mayroon itong taglay na hangin na 65 km/h malapit sa gitna at may pagbugso na 80 km/h.
Ito ay lumakas mula tropical depression ay isa na itong tropical storm.
Bahagyang mabagal ang pagkilos nito pa-kanluran sa 15 km/h.
Apektado ng makakapal na kaulapan na dala ni Kristine ang malaking bahagi ng Luzon, Visayas at Mindanao.
Sa susunod na 24 ay asahan na kikilos ang bagyo pa-north northwest o pa-angat ng pa-kaliwa.
Bukas ng madaling araw, ito ay inaasahan na nasa 370 km sa east ng Infanta, Quezon.
Mananatili ito na tropical storm sa susunod na 24 oras.
Sa susunod na 48 oras o simula bukas hanggang Huwebes ng madaling araw, posibleng lumakas pa ito sa severe tropical storm at maaaring hatinggabi bukas o madaling ng Huwebes ay mag-landfall ito sa Isabela.
Subalit, posible pa rin na magbago ito at mag-landfall sa Cagayan o sa area ng Aurora.
Ang estimated location ng bagyo sa Huwebes ng madaling araw ay sa vicinity ng bayan ng Delfin Albano, Isabela.
Simula sa Sabado ay kikilos na ang bagyo papalayo sa kalupaan ng PAR, subalit inaasahan na lalakas pa ito bilang isang typhoon at ang estimated location ay sa west ng Ilocos Sur.
Inaasahan na lalabas na ang bagyo sa PAR Biyernes ng hapon o gabi.
Samantala, narito ang mga lugar na nakataas ang storm signal no. 1
Luzon
The eastern and central portions of mainland Cagayan (Piat, Santo Nino, Camalaniugan, Tuao, Lal-Lo, Enrile, Gonzaga, Alcala, Amulung, Santa Teresita, Baggao, Buguey, Solana, Rizal, Santa Ana, Tuguegarao City, Gattaran, PeƱablanca, Iguig, Lasam, Aparri, Allacapan), Isabela, Quirino, the southern portion of Nueva Vizcaya (Alfonso CastaƱeda), Aurora, the eastern portion of Rizal (Tanay, Pililla, Jala-Jala), the eastern portion of Laguna (Majayjay, Magdalena, Pila, Santa Cruz, Pagsanjan, Luisiana, Cavinti, Lumban, Kalayaan, Paete, Pakil, Pangil, Siniloan, Famy, Santa Maria, Mabitac, Nagcarlan, Liliw), the northern and eastern portions of Quezon (Tagkawayan, Guinayangan, Buenavista, San Narciso, San Andres, General Nakar, Pitogo, San Francisco, Calauag, Pagbilao, Infanta, Lopez, Catanauan, Mulanay, Unisan, General Luna, Plaridel, Quezon, Alabat, Sampaloc, Padre Burgos, Macalelon, Mauban, Perez, Agdangan, Gumaca, Atimonan, Real, Lucena City, Lucban, City of Tayabas) including Polillo Islands, Marinduque, Romblon, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon, and Masbate including Ticao Island and Burias Island
Visayas
Eastern Samar, Northern Samar, Samar, Leyte, Biliran, and Southern Leyte
Mindanao
Dinagat Islands and Surigao del Norte including Siargao – Bucas Grande Group