Nakalayo na ang bagyong Kristine, ngunit ang trough nito at ang pagbabalik ng southwesterly windflow ay patuloy na nagdudulot ng makulimlim na papawirin sa Southern Luzon, Visayas, at Mindanao.

Ang sentro ng 𝗦𝗘𝗩𝗘𝗥𝗘 𝗧𝗥𝗢𝗣𝗜𝗖𝗔𝗟 𝗦𝗧𝗢𝗥𝗠 𝗧𝗥𝗔𝗠𝗜 (𝗞𝗥𝗜𝗦𝗧𝗜𝗡𝗘) ay huling namataan ng state weather bureau sa layong 630 kilometro sa kanluran ng Bacnotan, La Union, kaninang 3:00 AM. 𝗡𝗴𝗮𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗮𝗿𝗮𝘄 𝗮𝘆 𝗵𝗮𝗹𝗼𝘀 𝘄𝗮𝗹𝗮 𝗻𝗮 𝗶𝘁𝗼𝗻𝗴 𝗱𝗶𝗿𝗲𝗸𝘁𝗮𝗻𝗴 𝗲𝗽𝗲𝗸𝘁𝗼 𝘀𝗮 𝗯𝗮𝗻𝘀𝗮.

Napanatili pa rin nito ang lakas ng hanging umaabot sa 95 km/h malapit sa gitna at pagbugso na 115 km/h.

Patuloy naman ang paglayo nito sa bansa sa bilis na 20 km/h pa-kanluran. Ang trough o extension ng mga kaulapan nito ay patuloy na magdudulot ng halos maulap hanggang sa makulimlim na papawirin na may mga kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm sa Occidental Mindoro at Palawan.

Dahil naman sa magiging hatak ng panibaging bagyong KONG-REY na nasa labas ng PAR, tumataas ang tiyansang kumilos ito palapit muli ng Luzon, ngunit hindi pa tiyak ang eksaktong tatahakin o kung aabot nga ba ulit ito sa kalupaan. Huling namataan ang bagyo sa layong 1,825 kilometro sa silangan ng Central Luzon, kaninang 3:00 AM.

-- ADVERTISEMENT --

Taglay na nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 65 km/h malapit sa gitna at pagbugso na 80 km/h. Mabilis itong kumikilos pa-hilagang kanluran ng 35 km/h. 𝗜𝘁𝗼 𝗮𝘆 𝗹𝘂𝗯𝗵𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗹𝗮𝘆𝗼 pa 𝗮𝘁 𝘄𝗮𝗹𝗮 𝗽𝗮𝗻𝗴 𝗱𝗶𝗿𝗲𝗸𝘁𝗮𝗻𝗴 𝗲𝗽𝗲𝗸𝘁𝗼 𝘀𝗮 𝗯𝗮𝗻𝘀𝗮.

Sa papasok na linggo, inaasahang lalapit ito sa Luzon, ngunit hindi pa tiyak kung ito ba ay tatama sa kalupaan ng bansa o magrerecurve. Ganunpaman, inaasahang magdadala ang trough nito ng mga pag-uulan, lalo na sa silangang bahagi ng bansa, sa kasagsagan ng pag-obserba sa Undas.

Ang muling pagbabalik naman ng 𝗦𝗢𝗨𝗧𝗛𝗪𝗘𝗦𝗧𝗘𝗥𝗟𝗬 𝗪𝗜𝗡𝗗𝗙𝗟𝗢𝗪, o hangin mula sa timog silangan na maikukumpara na parang ‘mahinang habagat’, ang nakakaapekto sa Southern Luzon, Visayas at Mindanao.

Halos maulap hanggang sa makulimlim na papawirin na may mga kalat-kalat na pag-ulan, mga thunderstorm, at pabugsu-bugsong hangin sa nalalabing bahagi ng MIMAROPA, malaking bahagi ng Bicol Region, Visayas, at Mindanao.

Pangkalahatang maayos na panahon at tiyansa na lamang ng mga localized thunderstorm ang inaasahan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.