Pumasok na kaninang madaling araw ang bagyong Kristine sa Philippine Area of Responsibility.
Dahil sa trough ng bagyo ay mayroong malawak na kaulapan sa Luzon, Visayas at Mindanao.
Namataan ito sa layong 1,050 km east of southern Luzon.
Ang lakas ng hangin ay nasa 55km/h malapit sa gitna at pagbugso na umaabot sa 70km/h.
Inaasahang kikilos sa direksyong west southwest sa bilis na 30km/h o lalapit sa ating bansa at patungo sa northern Luzon.
-- ADVERTISEMENT --
Mula ngayon hanggang sa mga susunod na araw ay inaasahan lalakas pa ang Bagyong Kristine at aaabot sa tropical storm category.
Dahil sa bagyong Kristine ay nakataas na ang cyclone wind signal.1 sa Catanduanes, northeastern portion ng Northern Samar at northeastern portion ng Eastern Samar.