Bahagyang lumakas pa ang tropical storm Leon na nasa loob ng Philippine area of responsibility (PAR).
Huling namataan ang sentro ng bagyo kaninang alas 3:00 ng hapon sa layong 1,010 km sa silangan ng Central Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 75 km/h malapit sa gitna at may pagbugsong 90 km/h.
Bumagal naman ang pagkilos nito pakanluran sa bilis na 20 km/h.
Inaasahang lalakas pa ang TD Leon hanggang sa typhoon category, ngunit malabo itong mag-landfall sa alinmang bahagi ng Pilipinas.
-- ADVERTISEMENT --
Tinatayang bukas ng gabi ay kukurba ang direksyon nito patungo sa may hilagang bahagi ng Taiwan.
Ang trough naman ng bagyo ay nakakaapekto na ngayon sa Catanduanes