Huling namataan ang sentro ng bagyong Leon sa silangan ng Tuguegarao City.
Ito ay may dalang lakas ng hangin na 110 km/h malapit sa gitna at may pagbugso na 135 km/h.
kumikilos ito sa direksiyong west northwestward sa bilis na 10 km/h.
Nakakaapekto na ang rainbands ng bagyo sa Bicol Region at iba pang bahagi ng Visayas.
Habang papalapit ang bagyo, posibleng magdudulot ang rainbands nito ng maulan na panahon sa silangang bahagi ng Luzon.
Sa latestt track, kikilos si Leon northwestward, kaya hindi inaalis ang posibilidad na mag-landfall ito sa Batanes area, o kung hindi naman ito ay mag-landfall sa Taiwan.
Tinatayang mas lalo pang lalakas ang bagyo habang patuloy na binabaybay ang silangang karagatan ng ating bansa, at posibleng sa susunod na 12 oras ay maaabot nito ang typhoon category, at patuloy pa rin itong lalakas habang binabaybay ang extreme northern Luzon area.
Maaari itong lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) Huwebes ng gabi o madaling araw ng Biyernes.
Hindi rin inaalis na lalo pa itong lalakas habang papalapit ito sa Batanes area at maaaring umabot sa super typhoon category.
Malawak din ang radius ng bagyong Leon, at nakapaloob na dito ang Bicol Region, at habang lumalapit ang bagyo, mas maraming lugar ang mapapaloob sa radius nito o malalakas na hangin na dala ng sama ng panahon
Narito ang mga lugar na nakataasn ang signal no. dahil sa bagyong Leon:
Bahagi ng Batanes, Cagayan kasama na ang Babuyan Islands, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Apayao, Kalinga, Abra, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Aurora, northern portion ng Quezon including Polillo Islands, Camarines Norte, eastern portion ng Camarines Sur, Catanduanes, eastern portion ng Albay at northeastern portion of Sorsogon. Ganundin sa eastern portion ng Northern Samar at northern portion ng Eastern Samar.