Posibleng mag-landfall mamayang gabi o bukas ng madaling araw, Agosto 04, 2026 ang Bagyong Luis sa Hilagang Luzon o Isabela habang patuloy ang pagkilos nito patungong hilagang-kanluran.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang bagyo ay huling namataan sa layong 135km Silangan ng Casiguran, Aurora na may lakas ng hangin na 55 km/h malapit sa gitna at may pagbugsong hanggang 70 km/h.

Sa ngayon, nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 1 ang gitna at silangang bahagi ng lalawigan ng Cagayan kabilang ang Enrile, Tuguegarao City, Peñablanca, Piat, Santo Niño, Camalaniugan, Tuao, Lal-Lo, Gonzaga, Alcala, Amulung, Santa Teresita, Baggao, Buguey, Solana, Rizal, Santa Ana, Gattaran, Iguig, Lasam, Aparri, Ballesteros, Abulug, Allacapan, at Pamplona.

Ang mga nasabing bayan ay kasalukuyang nakararanas ng pag-uulan na magtatagal hanggang sa bukas, Agosto 04, 2026 at posibleng sa araw ng Miyerkules ay hihina na ang bagyo na mahiging Low Pressure Area (LPA).

Kaugnay nito, pinag-iingat ng PAGASA ang publiko lalo na ang mga nakatira malapit sa ilog at mga mababang lugar sa banta ng pagbaha at pagguho ng lupa.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, ang Typhoon Dolphin na minomonitor ng PAGASA ay maliit ang tsansang pumasok ng PAR pero posible nitong palakasin ang Habagat na magdadala naman ng pag-uulan sa malaking bahagi ng Luzon sa mga susunod na araw.