Bahagyang lumakas ang bagyong Marce habang kumikilos ito sa direksiyong west northwestward sa Philippine Sea.
Habang kumikilos si Marce northwestward sa loob ng Philipine Area of Responsibility (PAR), palalakasin nito ang northeasterly wind flow na posibleng mararanasan ngayong linggo.
Ito at ang trough ng tropical cyclone ay magdadala ng ulan sa extreme northern Luzon at sa eastern section ng Luzon ngayong araw o bukas.
Inaasahan na itataas ang tropical cyclone wind signal no. 1 sa ilang bahagi ng Cagayan bukas.
Posibleng ang pinakamataas na signal dahil kay Marce ay wind signal no. 4.
Tinatayang kikilos si Marce west northwestward ngayong araw hanggang bukas bago mabagal na liliko sa direksiyong westward sa Philippine Sea sa silangan ng extreme northern Luzon.
Sa track forecast, posibleng mag-landfall si Marce sa bisinidad ng Babuyan Islands o sa mainland ng northern Cagayan sa Huwebes ng gabi o madaling araw ng Biyernes.
Dahil sa hindi tiyak na lakas ng high pressure area sa north ng Marce, posibleng magbago pa ang track ng bagyo at posibleng ang landfall point ay sa mainland Cagayan-Isabela area.
Ang mata ng bagyo ay namataan sa 775 kilometers east ng Borongan City, Eastern Samar.
Ito ay kumikilos west northwestward sa bilis na 35 km/h, at taglay ang lakas ng hangin na 75 km/h malapit sa gitna at pagbugso na 90 km/h.