Nag-landfall na ang bagyong “Marce” sa Sta Ana, Cagayan kaninang 3:40 p.m. ngayong Huwebes, Nobyembre 07, 2024.
Bahagyang bumagal ang bagyo na kumikilos ng 10 kph pa-kanluran.
Taglay pa rin ng naturang sama ng panahon ang lakas ng hangin na 175 kph malapit sa gitna at pagbugso na 240 kph.
Sa kabila ng landfall ng bagyo ay mananatili pa rin itong banta sa northeastern Cagayan dahil sa malalakas na hangin at ulan at matataas na alon sa dagat.
Sa ngayon, ang bagyo ay huling namataan sa layong 85km silangan ng Aparri, Cagayan.
Kikilos ang bagyo pa-kanluran, at tutunguhin ang Aparri, at posibleng muling mag-landfall sa baybayin ng northwestern mainland Cagayan mamayang gabi.
Patungo naman ito sa West Philippine Sea bukas ng madaling araw.
Matapos ang pagtahak ng bagyong Marce sa hilagang bahagi ng northern Luzon, patuloy itong kikilos pa-kanluran at lalabas ng Philippine Area of Reponsibility (PAR) bukas ng hapon o gabi.
Hindi pa rin tinatanggal ang posibilidad na maging super typhoon si Marce pagkatapos na tahakin ang hilagang-silangan ng Cagayan.
Nakataas pa rin ngayon ang signal no. 4 sa mga sumusunod na lugar:
The northern portion of Cagayan (Gonzaga, Santa Ana, Santa Teresita, Lal-Lo, Buguey, Aparri, Camalaniugan, Gattaran, Ballesteros, Allacapan, Abulug, Pamplona, Sanchez-Mira, Claveria, Santa Praxedes, Lasam) including Babuyan Islands, the northern portion of Apayao (Santa Marcela, Luna, Flora, Calanasan, Pudtol), and the northern portion of Ilocos Norte (Pagudpud, Bangui, Vintar, Dumalneg, Adams, Bacarra, Pasuquin, Burgos)
Signal no. 3
Batanes, the rest of Cagayan, the rest of Apayao, the rest of Ilocos Norte, the northern portion of Abra (Tineg, Danglas, Lagayan, Lacub, San Juan, La Paz, Bangued), and the northern portion of Ilocos Sur (Sinait, Cabugao, San Juan, Magsingal, Santo Domingo)
Signal no. 2
The northern and central portions of Isabela (San Pablo, Santa Maria, Divilacan, Tumauini, Maconacon, Cabagan, Santo Tomas, Quezon, Palanan, Ilagan City, Mallig, Delfin Albano, Quirino, San Mariano, Gamu, Roxas, Naguilian, Burgos, Reina Mercedes, Benito Soliven, Luna, Aurora, San Manuel, San Mateo, Alicia, Angadanan, City of Cauayan, Cabatuan), the rest of Abra, Kalinga, Mountain Province, the northern portion of Ifugao (Alfonso Lista, Aguinaldo, Mayoyao, Banaue, Hungduan), the northern portion of Benguet (Bakun, Mankayan), the rest of Ilocos Sur, and the northern portion of La Union (Sudipen, Bangar, Balaoan, Luna, Santol)
Signal no. 1
The rest of La Union, Pangasinan, the rest of Ifugao, the rest of Benguet, the rest of Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, the northern and central portions of Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao, Maria Aurora, Baler), the northern portion of Nueva Ecija (Carranglan), and the northern portion of Zambales (Santa Cruz, Candelaria)