Patuloy ang paglakas ng bagong Marce at lalo itong nagiging mapanganib habang patungong northeastern Cagayan.
Dahil dito, asahan ang malalakas na hangin at mga pag-ulan lalo na sa mga lugar na may nakataas na storm signal.
May mataas din na panganib sa buhay ang storm surge na may peak surge heights na aabot sa mahigit 3 meters sa susunod na 48 hours sa mga low-lying areas o sa coastal localities ng Batanes, Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, Isabela, Ilocos Norte, Ilocos Sur, at La Union.
Nakataas ngayon ang gale warning sa seaboards ng northern Luzon at Central Luzon.
Dahil dito, delikado ang paglalayag sa lahat ng sasakyang pandagat.
Magla-landfall si Marce at liliko sa Babuyan islands o sa hilagang bahagi ng mainland Cagayan, Ilocos Norte, at Apayao ngayong hapon hanggang bukas ng umaga.
Ibinabala na maging alerto at maingat dahil sa posibleng malalakas na ulan at hangin, storm surge sa Babuyan Islands at sa hilagang bahagi ng mainland Cagayan, Ilocos Norte, at Apayao.
Inaasahan na lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo bukas ng hapon o gabi.
Namataan ang mata ng bagyo sa 115 kilometers sa silangan ng Aparri, Cagayan.
Kumikilos ito pa-kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 10 km/h.
May taglay itong lakas ng hangin na 175 km/h malapit sa gitna at pagbugso na 215 km/h.
Narito ang mga lugar na nakataas ang signal no. 4
The northern portion of Cagayan (Gonzaga, Santa Ana, Santa Teresita, Lal-Lo, Buguey, Aparri, Camalaniugan, Gattaran, Ballesteros, Allacapan, Abulug, Pamplona, Sanchez-Mira, Claveria, Santa Praxedes, Lasam) including Babuyan Islands, the northern portion of Apayao (Santa Marcela, Luna, Flora, Calanasan, Pudtol), and the northern portion of Ilocos Norte (Pagudpud, Bangui, Vintar, Dumalneg, Adams, Bacarra, Pasuquin, Burgos)