Nakapasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) kaninang 2:00 AM, Nobyembre 4, 2024 at lumakas pa bilang isang tropical storm ang binabantayang bagyo sa labas ng PAR at pinangalanang Marce.

Huling namataan ang bagyong Marce sa layong 975 km. East of Visayas.

Tagaly nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 65 km/h at pagbugso ng hangin na 80 km/h.

Kumikilos ang bagyo West Northwestward sa bilis na 25 km/h.

Inaasahang magpapatuloy ang paglakas nito habang lumalapit sa bansa at maging isang severe tropical storm ito bukas at maging typhoon din pagdating ng Miyerkules (Nobyembre 6).

-- ADVERTISEMENT --

Inaasahang tutumbukin nito ang Northern Luzon sa Biyernes bilang isang typhoon.

Pinapayuhan ang lahat ng mga residente sa mga nabanggit na lugar na mag-monitor sa mga susunod na updates.

Samantala, apektado pa rin ng Northeasterly Windflow ang Batanes at Babuyan Islands habang ang trough ng bagyong Marce ang magpapaulan na sa Eastern Visayas, Bicol Region, Aurora, Quezon, at nalalabing bahagi ng Cagayan Valley.

Localized Thunderstorms naman ang magpapaulan sa Metro manila at nalalabing bahagi ng bansa.