Napanatili ng bagyong Marce ang kanyang lakas habang papalapit sa Cagayan.

May lakas ng hangin ang bagyo na nasa 140 km/h at pagbugso ng hangin na aabot sa 170 km/h habang kumikilos pa-hilagang kanluran sa bilis na 15 km/h.

Inaasahang tatama ito sa NorthernLuzon sa Huwebes at maaaring magtataas ng signal no. 4 sa bahagi ng nabanggit na lugar.

Dahil sa patuloy na paglapit ng bagyo, isinailalim na din sa win signal no. 2 ang eastern portion ng Babuyan islands (Camiguin Is., Babuyan Is.,) at northeastern portion ng mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Lal-Lo, Santa Teresita, Buguey)

Wind signa no. 1 naman sa Batanes, nalalabing bahagi ng Cagayan kabilang na ang Babuyan Islands, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, northern portion ng Benguet, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, at northern portion ng Aurora

-- ADVERTISEMENT --

Katamdaman hanggang sa mataas na panganib ng storm surge o daluyong ang inaasahan sa katubigan ng Batanes, Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, Isabela, at Ilocos Norte sa susunod na 48 oras.

Inaasahang magpapatuloy ang paglakas ng bagyong Marce at posibleng nasa peak intensity na ito bago mag-landfall sa Babuyan Islands-Cagayan area. Posibleng makalabas na ng Philippine Area of Responsibility si Marce sa Sabado.