Patuloy na lumalapit sa kalupaan ng Luzon ang Bagyong Nika ngayong madaling araw.
May lakas ng hangin ito na 110 km/h at pagbugso na 135 km/h.
Kumikilos ito sa direksyon na Westward sa bilis na 25 km/h.
Base sa latest forecast ng PAGASA, inaasahan itong maglandfall sa Isabela-Aurora area ngayong umaga bilang isang TYPHOON category.
Dahil dito, itinaas na ang WIND SIGNAL NO. 3 sa southern Cagayan, Isabela, northern Quirino, northern Nueva Vizcaya, southern Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, eastern IlocosSur, at northern Aurora.
WIND SIGNAL NO. 2 sa Ilocos Norte, rest of Ilocos Sur, LaUniom, northeastern Pangasinan, rest of Apayao, Benguet, central Cagayan, rest of Quirino, rest of Nueva Vizcaya, central Aurora, at northern Nueva Ecija.
WIND SIGNAL NO. 1 sa rest of Cagayan kabilang ang BabuyanIslands, rest of Pangasinan, rest of Aurora, Tarlac, northern and central Zambales, rest of Nueva Ecija, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, Rizal, eastern Laguna, eastern Quezon, CamarinesNorte, northern CamarinesSur, at Catanduanes.
Dahil din sa bagyong Nika, asahan ang matitinding pag-ulan sa malaking bahagi ng Northern Luzon dahil sa inaasahang pagtama nito sa lugar.
Inaasahan din ang mga pag-ulan sa bahagi ng Central Luzon, MetroManila, at CALABARZON.
Tutumbukin ng Bagyong NIKA ang kalupaan ng Northern Luzon hanggang sa mapadpad ito sa katubigan kanluran ng Ilocos Sur ngayong gabi at lalabas naman ng PAR ngayong Martes ng umaga.
Inaabisuhan ang mga residente ng mga nabanggit na lugar na maghanda sa posibilidad ng mga pagbaha at pagguho ng lupa at mag-antabay sa mga susunod na updates.