Inaasahan na magiging severe tropical storm sa araw ng Lunes ang Bagyong Nika at lalapit ito sa landmass ng Central Luzon o sa bahagi ng Aurora o Isabela at inaasahang maglandfall sa nasabing araw ng hapon o gabi.

Huli itong namataan sa layong 760km east ng Virac, Catanduanes. Taglay nito ang lakas ng hangin na 65km/h malapit sa gitna at pagbugso na umaabot sa 80km/h. Kumikilos ito sa direksyong westward sa bilis na 35km/h.

Bukod dito ay mayroon ring minomonitor na isang low pressure area nasa labas ng ating Philippine Area of Responsibility at ito’y huling namataan sa layong 2,700km east ng northeastern mindanao.
Posible itong maging ganap na bagyo sa susunod na 24-48 hours.

Base sa state weather bureau, sa ngayon ay nakataas na ang tropical cyclone wind signal number 1 sa Southeastern portion ng Isabela (Dinapigue), Northern portion ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan), Southeastern portion ng Mainland Quezon (Calauag, Guinayangan, Tagkawayan), Pollilo Islands, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, at Northeastern portion ng Albay (Malinao, Tiwi, City of Tabaco, Bacacay, Malilipot, Rapu-Rapu).

Samantala, simula bukas ng hapon hanggang lunes ng hapon ay mararamandan na ang katamtaman hanggang sa malalakas na pag ulan dito sa Cagayan, Isabela, Aurora, Quezon, Camarines Norte, Camarines Sur at Catanduanes.

-- ADVERTISEMENT --