Mabilis na lumalakas at posibleng umabot sa kategoryang typhoon ang Bagyong Nika (Toraji), taglay ang pinakamalakas na hangin na 100 km/h at pagbugsong aabot ng 125 km/h habang kumikilos ito pa-kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 30 km/h.
Sa kasalukuyan, ito ay nasa 690 km silangan ng Infanta, Quezon, at may malalakas na hangin na umaabot hanggang 300 km mula sa sentro.
Itinaas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 para sa mga lugar tulad ng Isabela at Aurora na inaasahang makakaranas ng malalakas na hangin.
Signal No. 1 naman para sa mga lugar tulad ng:
The southern portion of Cagaya (Tuguegarao City, Peñablanca, Enrile, Solana, Iguig), the rest of Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, the southeastern portion of Kalinga (City of Tabuk, Rizal, Tanudan), the eastern portion of Mountain Province (Paracelis, Natonin, Barlig), Ifugao, the eastern portion of Pangasinan (San Nicolas, Tayug, Natividad, San Quintin, Umingan), the rest of Aurora, Nueva Ecija, the northeastern portion of Pampanga (Candaba, Arayat), the northern and eastern portions of Bulacan (Norzagaray, San Miguel, San Ildefonso, San Rafael, Doña Remedios Trinidad, Angat), the eastern portion of Quezon (Calauag, Guinayangan, Tagkawayan, Pitogo, San Andres, Buenavista, San Francisco, Pagbilao, Infanta, Lopez, Catanauan, Mulanay, Unisan, General Luna, Plaridel, Quezon, Alabat, Sampaloc, Padre Burgos, Macalelon, Mauban, Perez, Agdangan, Gumaca, Atimonan, Real, San Narciso, General Nakar) including Polillo Islands, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, and the northeastern portion of Albay (Malinao, Tiwi, Bacacay, City of Tabaco, Malilipot, Rapu-Rapu).
Nagbabanta ang malakas na pag-ulan, matitinding hangin, at moderate na panganib ng storm surge sa mga baybaying lugar, habang mapanganib ang paglalayag dahil sa mataas na alon.
Inaasahang magla-landfall si Nika sa Isabela o Aurora bukas, na may mga posibleng epekto kahit sa labas ng direktang landas nito.
Pinapayuhan ang mga residente sa mga apektadong lugar na magbantay sa mga lokal na anunsyo at maghanda upang matiyak ang kaligtasan.