Patuloy ang mabilis na paglakas ng bagyong Ofel bago ang posibleng landfall nito sa Cagayan mamayang hapon.

Mas malalakas na bugso ng hangin at ulan na ang inaasahan sa extreme Northern Luzon, dahil sa napipintong pagdaan ng bagyo sa mga susunod na oras.

Makulimlim rin sa malaking bahagi pa ng Luzon dahil sa trough nito.

Ayon sa state weather bureau, 05:00 ng madaling araw ngayong Huwebes, ang sentro ng mata ng bagyong Ofel ay nasa 215 kilometro silangan ng Echague, Isabela.

Dala nito ang lakas ng hangin na 165 kilometro malapit sa gitna at may pagbugsong 205 kilometro kada oras.

-- ADVERTISEMENT --

Kumikilos ito sa kanluran hilagang kanluran sa bilis na 30 kilometro kada oras.

Ang dala nitong hangin ay nakakasakop sa 320 kilometro mula sa sentro.

Ang sentro ng bagyo ay ๐—ป๐—ฎ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ต๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฒ ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐˜€๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—œ๐˜€๐—ฎ๐—ฏ๐—ฒ๐—น๐—ฎ.

Inaasahang ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—น๐—ผ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜€ ๐—ฝ๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐—ด๐˜†๐—ผ habang lumalapit sa hilagang bahagi ng Cagayan.

Hindi inaalis ang ๐—ฝ๐—ผ๐˜€๐—ถ๐—ฏ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฑ๐—ฎ๐—ฑ ๐—ป๐—ฎ ๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—ฏ๐—ผ๐˜ ๐—ฝ๐—ฎ ๐—ถ๐˜๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฆ๐—จ๐—ฃ๐—˜๐—ฅ ๐—ง๐—ฌ๐—ฃ๐—›๐—ข๐—ข๐—ก ๐—ฐ๐—ฎ๐˜๐—ฒ๐—ด๐—ผ๐—ฟ๐˜†.

Kikilos pa-hilagang kanluran ang bagyo at posibleng ๐—ฑ๐˜‚๐—บ๐—ถ๐—ธ๐—ถ๐˜ ๐—ผ ๐—ฑ๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—ฝ๐—น๐—ถ๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฟ๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—ถ๐—ป๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—–๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป ngayong hapon.

Signal number 4 na sa hilaga-silangang bahagi ng Cagayan, partikular sa Santa Ana, Gonzaga, at Santa Teresita dahil sa bagyong Ofel na may international name na Usagi.

Signal number 3 na sa northwestern, central at silangang bahagi ng mainland Cagayan partikular sa Claveria, Sanchez-Mira, Santa Praxedes, Pamplona, Abulug, Ballesteros, Aparri, Camalaniugan, Lal-Lo, Allacapan, Gattaran, Baggao, Peรฑablanca, Lasam, Alcala, Amulung, Iguig, Santo Niรฑo at Buguey kabilang na ang Babuyan Islands at sa northeastern portion of Isabela

Signal No. 2 naman sa Batanes, nalalabing bahagi ng Cagayan, northwestern and southeastern portions of Isabela, nalalabing bahagi ng Apayao,northern portion of Kalinga, northeastern portion of Abra at northern and central portions of Ilocos Norte

Habang Signal No. 1 naman sa nalalabing bahagi ng Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, the rest of Abra, the rest of Kalinga, Mountain Province, Ifugao, the northern portion of Benguet, the rest of Ilocos Norte, Ilocos Sur, the northern portion of La Union, and the northern and central portions of Aurora