Humina at naging Severe Tropical Storm na lang ang bagyong Paolo (#Matmo) pagkatapos tawirin ang Northern Luzon ngayong araw.

Kahit nakalabas na, patuloy na magdudulot ng pabugsu-bugsong ulan at hangin ang malawak na sirkulasyon ng bagyo sa kanlurang bahagi ng Luzon ngayong gabi.

➡ Lokasyon ng sentro (4:00 PM): Coastal waters of Santa Cruz, Ilocos Sur
➡ Lakas ng hangin malapit sa gitna: 110 km/h
➡ Pagbugso: 165 km/h
➡ Kasalukuyang pagkilos: West northwestward at 35 km/h

Inaasahang 𝗺𝘂𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗹𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘀 𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗴𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗼𝗹𝗼 at posibleng maging TYPHOON muli sa West Philippine Sea sa weekend.

Patuloy na 𝗸𝗶𝗸𝗶𝗹𝗼𝘀 𝗽𝗮𝗹𝗮𝘆𝗼 𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗹𝘂𝗽𝗮𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗟𝘂𝘇𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗴𝘆𝗼 sa mga susunod na araw.

-- ADVERTISEMENT --

Makulimlim at maaaring may mga pag-ulan at pagbugso pa rin ng hangin bukas (Sabado) sa kanlurang bahagi ng Luzon, ngunit inaasahang 𝗽𝗮𝗽𝗮𝗵𝘂𝗽𝗮 𝗻𝗮 𝗱𝗮𝗵𝗶𝗹 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗹𝗮𝘆𝗼 𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗴𝘆𝗼.

𝗠𝗮𝘀 𝗺𝗮𝗮𝘆𝗼𝘀 𝗻𝗮 𝗽𝗮𝗻𝗮𝗵𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗶𝗻𝗮𝗮𝘀𝗮𝗵𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗺𝗮𝗹𝗮𝗸𝗶𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗵𝗮𝗴𝗶 𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗻𝘀𝗮 bukas at may tiyansa na lamang ng mga localized thunderstorm.