Lumakas pa ang bagyong “Pepito” habang patuloy itong kumikilos pakanluran-hilagang kanluran sa bilis na 30 km/h.
Alas-5 ng madaling araw ngayong Sabado, ang mata ng bagyo ay namataan 220 km silangan-hilagang silangan ng Borongan City, Eastern Samar o 305 km East ng Catarman, Northern Samar.
May dala itong hanging umaabot sa 175 km/h malapit sa gitna at pagbugsong hanggang 215 km/h.
Inaasahan itong tatama sa mga baybayin ng Catanduanes ngayong gabi.
Magsisimula namang magdulot ng malalakas na pag-ulan sa silangang mga bahagi ng Southern Luzon at Visayas ang Typhoon Pepito bukas.
Nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 3 ang Catanduanes, ilang bahagi ng Albay, Camarines Sur, Sorsogon, Northern Samar at Eastern Samar, kung saan maaaring makaranas ng malalakas na hangin at matinding pag-ulan.
3 Samantala, Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 naman ang ibinaba sa nalalabing bahagi ng Camarines Sur, gayundin sa Albay, Sorsogon, Ticao Island, Camarines Norte, at mainland Quezon, Pollilo Islands, nalalabing bahagi ng Eastern Samar, Samar at nalalabing bahagi ng Northern Samar.
Ang Signal No. 1 naman ay nakaapekto sa mas malawak na lugar, kabilang na ang southern portions of Cagayan na kinabibilangan ng Peñablanca, Tuguegarao City, Enrile, Solana, Iguig, Tuao, Rizal, Santo Niño, Lasam, Gattaran, Baggao, Amulung, Alcala, Piat, Lal-Lo, Allacapan at ilang bahagi ng Visayas at Mindanao.