CTTO

TUGUEGARAO CITY- Dinagsa ng mga donors ang blood-letting activity o “Dugong Bombo” ng Bombo Radyo Philippines sa Cagayan sa kabila ng banta ng pananalasa ng bagyong “Ramon”,kahapon.

Hindi napigilan ng bagyo ang mga ilang mamamayan na nag-donate ng dugo sa gitna ng paghahanda ng mga kaukulang ahensiya sa pananalasa ng bagyo na ayon sa PAGASA ay tinatayang mag-landfall sa Cagayan ngayong araw o sa Lunes.

Matagumpay ang “Dugong Bombo” sa tulong ng Philippine Red Cross at Cagayan Valley Medical Center na isinagawa sa Lallo, Alcala at Tuguegarao City kung saan sa 411 na successful blood donors ay nakalikom ang Bombo Radyo Tuguegarao ng 184,950cc ng dugo.

Kabilang sa mga nakiisa sa ating blood-letting activity ang PNP, AFP,BFP at iba pang organisasyon.