Nakataas na sa signal no. 3 ang hilagang bahagi ng Cagayan dahil sa bagyong Ramon.
Batay sa severe weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 135 kilometro Silangan Hilagang-Silangan ng ng Aparri, Cagayan o 145 km Silangan Timog-Silangan ng Calayan, Cagayan.
Taglay na nito ang lakas ng hanging aabot sa 120 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 150 kilometro kada oras.
Kumikilos ang bagyo pa Hilagang-Kanluran sa bilis na 10 kilometro bawat oras.
Inaasahan itong tatama sa Babuyan Islands o Sta. Ana Cagayan mamayang madaling araw.
Kabilang sa mga bayan na nakataas sa signal number 3 ang Santa Praxedes, Claveria, Sanchez Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros, Aparri, Calayan, Camalaniugan, Buguey, Santa Teresita, Gonzaga, at Santa Ana.
Signal no. 2 naman sa nalalabing bahagi ng Cagayan, northern portion ng Isabela partikular sa Sta. Maria, San Pablo, Maconacon, Cabagan, Sto. Tomas, Quezon, Delfin Albano, Tumauini, at Divilacan maging sa Apayao, Kalinga, at Ilocos Norte.
Nasa signal no. 1 naman ang Batanes, Ilocos Sur, Abra, Mountain Province, Benguet, Ifugao, La Union, Pangasinan, at nalalabing bahagi ng Isabela.