Patuloy na gumagalaw pa-kanluran, timog-kanluran ang Tropical Depression Salome.

Mamayang madaling araw ang inaasahang paglapit o kaya’y pagtama ng sentro ng bagyo sa Batanes bago inaasahang hihina bilang LPA bandang Biyernes (October 24) ng madaling araw.

Sa kasalukuyan, ang lokasyon ng sentro ng bagyo ay nasa 215 kilometro sa Hilaga, hilagang-silangan ng Itbayat, Batanes. Taglay nito ang lakas ng hangin malapit sa gitna na 55 km/h at pagbugsong aabot sa 70 km/h. Ito ay kumikilos West, southwest sa bilis na 10 km/h.

𝗞𝗮𝘁𝗮𝗺𝘁𝗮𝗺𝗮𝗻 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗺𝗶𝗻𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘀 𝗻𝗮 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗶𝗻 𝗱𝘂𝗹𝗼𝘁 𝗻𝗴 𝗻𝗼𝗿𝘁𝗵𝗲𝗮𝘀𝘁𝗲𝗿𝗹𝘆 𝘄𝗶𝗻𝗱𝗳𝗹𝗼𝘄 ang mararanasan sa Batanes, Cagayan kasama ang Babuyan Group of Islands, Ilocos Norte at Ilocos Sur.

Signal #1 ngayon sa Batanes, western portion ng Babuyan Islands at northwestern portion ng Ilocos Norte. Posible ang pagbugso ng hangin na maaaring umabot mula 39 hanggang 61 km/h na umiiral ngayon o sa susunod na 36 oras.

-- ADVERTISEMENT --

Inaasahang 𝗺𝗮𝗽𝗮𝗽𝗮𝗻𝗮𝘁𝗶𝗹𝗶 𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗴𝘆𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗹𝗮𝗸𝗮𝘀 𝗻𝗶𝘁𝗼 𝗯𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗧𝗿𝗼𝗽𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗗𝗲𝗽𝗿𝗲𝘀𝘀𝗶𝗼𝗻 habang papalapit sa Batanes, Babuyan at hilagang bahagi ng Ilocos Norte bukas. Hindi rin inaalis ang tiyansa na lumakas pa ito at umabot sa 𝗧𝗿𝗼𝗽𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗦𝘁𝗼𝗿𝗺 category.

Ngayong gabi, inaasahang gagalaw pa-kanluran, timog-kanluran ang sentro ng bagyo bago inaasahang lalapit sa Batanes at northwestern portion ng Babuyan Group of Islands bukas. Bukas ng gabi o kaya’y sa Biyernes ng umaga, posibleng nasa kanluran na ito ng Ilocos provinces at hihina bilang LPA dahil sa 𝘁𝘂𝘆𝗼 𝗮𝘁 𝗺𝗮𝗹𝗮𝗺𝗶𝗴 𝗻𝗮 𝗻𝗼𝗿𝘁𝗵𝗲𝗮𝘀𝘁𝗲𝗿𝗹𝘆 𝘄𝗶𝗻𝗱𝗳𝗹𝗼𝘄.

Ganunpaman, ang matitinding ulan na dulot ng bagyo ay hindi lahat nakaconcentrate sa sentro ng bagyo. Maaaring makaranas din ng mga pag-ulan ang Babuyan maging ang Ilocos Provinces.