Isinilbi ng Bureau of Customs (BOC) kaninang umaga ang search warrant sa mga ari-arian ng Discaya family sa Pasig City.

Sinabi ni BOC Commissioner Ariel Nepomuceno na layunin ng raid ay tignan ang mga mamahaling sasakyan ng pamilya Discaya.

Ayon sa kanya, ang kanilang pakay ay makita kung nagbayad ng tamang buwis ang pamilya Discaya sa mga nasabing luxury vehicles, bilang tugon sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyakin na walang nagawang paglabag sa batas.

Subalit 12 luxury vehicles ng Discayas ang nakita sa compound ng mga Discaya.

Dahil dito, nanawagan si Nepumuceno sa Discayas na isuko ang mga luxury vehicles na nakalagay sa search warrant.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa kanya, nakipag-ugnayan na ang BOC sa Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) na kumpiskahin ang mga nasabing sasakyan kung hindi maibabalik ang mga ito sa compound ng pamilya Discaya.

Sinabi ni Nepomuceno na kailangan na suriin ng BOC kung tama ang mga papeles at kung nagbayad ng tamang buwis para sa mga nasabing sasakyan ang Discayas.

Ipinaliwanag ni Nepomuceno na anomang makikita na iregularidad sa importasyon ng luxury vehicles, tulad ng misdeclaration o non-payment of duties and taxes, ay tutugunan sa ilalim ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

Humarap si Sara Discaya kahapon sa Senate Blue Ribbon Commitee at natanong siya tungkol sa kanyang mga kontrata sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at ang koleksiyon niya ng luxury cars.

Tinanong siya sa pagdinig kung totoong bumili siya ng Rolls-Royce dahil sa nahihiwagaan siya sa payong na kasama dito na kanyang sinabi niya sa kanyang video na kumalat sa social media.

Sinabi ni Discaya na ang nagkakahalaga ng P42 million ang Rolls-Royce.

Binaggit din ni Discaya ang halaga ng ilan sa mga luxury cars na pagmamay-ari niya at ng kanyang asawa batay sa kanyang pagkakaalam.

One Rolls Royce – P42 million
One Mercedes Benz G63 – P20 million 
Two Cadillac Escalade – P11 million (white) and P8 million (black)
One Chevrolet Suburban – P3 million (used)
One Range Rover Autobiography – P16 million
One Range Rover Defender – P7 million
One Range Rover  Evoque – P5 million

Sinabi ni Discaya na nagmamay-ari din siya ng units ng GMC, Maybach, at Bentley.

Ayon pa kay Discaya, 28 lamang ang kanilang luxury cars taliwas sa naunang ulat na 40.