TUGUEGARAO CITY- Inaalam pa ng mga otoridad sa lungsod ng Tuguegarao ang danyos at kung ano ang tunay

na sanhi ng pagkasunog na bahay sa Bassig Street, Ugac Norte kagabi.

Sinabi ni SFO2 Moises Tupiño ng Bureau of Fire Protection o BFP Tuguegarao na matapos na matanggap nila

ang tawag na may sunog sa nasabing lugar ng 11:07 pm ay agad tinungo ito ng kanilang tatlong fire

-- ADVERTISEMENT --

trucks.

Ayon sa kanya, umabot ng 15 minuto bago naapula ang apoy na pagmamay-ari ni Carclos Gonzales.

Sinabi ni Tupiño na mag-isa ng anak ni Gonzales sa bahay nang mangyari ang sunog.

Ayon sa anak, natutulog siya ng mga oras iyon at nagising siya ng maramdaman ang init sa kanyang silid

at dito na nakita na nasusunog na pala ang kanilang bahay.

Wala namang nasaktan sa nasabing insidente.