Tinupok ng apoy ang isang bahay sa bayan ng Allacapan, Cagayan.
Batay sa tala ng Allacapan Police Station, rumesponde ang mga pulis sa tawag ng isang concerned citizen kahapon ng umaga tungkol sa sunog sa Zone 5, Brgy. Iringan sa nabanggit na bayan.
Nang dumating ang mga pulis sa lugar ay naapula na ng mga bombero ng Bureau of Fire Protection ng Allacapan ang apoy, kung saan naabo ang nasabing bahay.
Ayon kay Renato Fronda, 82 years old, nagsimula ang apoy ng 8:00 a.m. kahapon.
Sinabi niya na posibleng ang kandila na sinindihan ng kanyang asawa na si Lilia, 80 years old, ang pinagmulan ng sunog.
Ayon sa kanya, kaugalian na umano ng kanyang asawa na magsindi ng kandila kada Linggo, at sa nasabing araw ay inilagat niya ito sa ibabaw ng plastic cabinet.
Mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa sa light material ang bahay.