Iniimbestigahan pa ang sanhi ng pagkasunog ng isang bahay sa Balzain West kahapon ng madaling araw.

Sinabi ni Fire Officer Richard Navarro ng Bureau of Fire Protection (BFP) Tuguegarao na hindi pa nila mabatid ang dahilan ng insidente na nangyari 1:35 a.m. kahapon.

Kinilala ang may-ari ng bahay na si Jovie Agcaoili.

Sinabi ni Navarro na tinatayang nagkakahalaga ng P150,000 ang nasunog na bahay at kanilang mga kagamitan.

Ayon kay Navarro, walang naisalbang gamit ang pamilya Agcaoili dahil sa natutulog sila ng mangyari ang insidente.

-- ADVERTISEMENT --

Mabilis na kumalat ang apoy dahil sa gawa ito sa light materials.

Sinabi niya na wala namang nasaktan sa nasabing sunog matapos na makalabas ang mga nasa loob ng bahay.

Kaugnay nito, umaapela ng anomang donasyon o tulong ang nasunugan.