Tuguegarao City- Pinangangambahan ngayon ng Bureau of Animal Industry (BAI) ang pagpasok ng mga domestic and wild bird products mula Australia bunsod ng bagong outbreak ng H7n7 highly pathogenic avian influenza.
Sa panayam kay Dr. Ronnie Domingo, National Director ng BAI, inaalam na ng mga otoridad kung makakapanghawa ng tao ang bagong strain ng virus.
Kaugnay nito ay nagpatupad na ng temporary ban sa importasyon ng mga produktong manok mula sa nasabing bansa habang patuloy ang mahigpit na surveillance sa pagpasok ng mga poultry products.
Nagpaalala naman si Domingo na maging maingat sa pag-angkat ng mga panindang karne ng manok upang makaiwas sa maaaring epekto nito.
Una ng nagdeklara ang pamahalaan ng temporary ban sa pagpasok ng mga poultry products mula sa bansang Brazil matapos na magpositibo sa COVID-19 ang ilan sa kanilang produkto.
Tiniyak pa ni Domingo na patuloy ang pangongolekta ng samples mula sa mga migratory birds na pumupunta sa bansa upang mamonitor ang mga ito laban sa virus.
Magugunitang, idineklara ng BAI ang pagkakaroon ng outbreak ng bird flu sa isang Quail farm sa Pampanga kamakailan at ngayon ay patuloy na inoobserbahan habang hinihintay ang dalawang buwan bago maideklarang bird flue free ang Pilipinas.