Hindi pinagbigyan ng Pasig City Regional Trial Court Branch 159 ang bail petition ni Kingdom of Jesus Christ leader Pastor Apollo Quiboloy ang kapwa akusado para sa qualified human trafficking case.

Sa 23 pahinang kautusan, sinabi ng korte na may matibay na ebidensiya laban sa mga akusado para sa dalawang kaso ng qualified human trafficking na isinagawa ng isang sindikato.

Dahil dito, hindi pinayagan ng korte ang piyansa ng mga akusado na sina Quiboloy, Sylvia Cemañes, Paulene Canada, Jackielyn Roy, Cresente Canada, at Ingrid Canada.

Ayon sa korte, hindi pa ito ang hatol sa kaso at may mahabang proseso pa sa paglilitis.

Samantala, ikinatuwa ng kampo ng mga complainant ang desisyon.

-- ADVERTISEMENT --

Bukod sa kasong ito, may kinakaharap pang hiwalay na kaso si Quiboloy sa Quezon City para sa paglabag sa RA 7610, ang batas laban sa pang-aabuso at pagsasamantala sa mga bata.