Nagtataka ka rin ba kung bakit kinakagat ng mga atleta ang kanilang napanalunang medalya lalo sa Olympics?

Batay sa kasaysayan, noong unang panahon, kinakagat ng mga trader ang kanilang gintong barya upang matiyak na tunay ang mga ito ng ginagamit pa ang nasabing mamahaling metal bilang pera.

Ang ginto ay isang malambot na metal na may maiiwan na marka kung ito ay kakagatin.

Subalit, malinaw na ang mga Olympic champion ay hindi tinitignan kung tunay ang kanilang gintong medalya sa tuwing sila ay kukuhanan ng litrato na kagat-kagat ang nasabing medalya.

Dagdag pa dito, itinigil ng International Olympic Committee (IOC) ang pagbibigay ng purong gold medals noong 1912.

-- ADVERTISEMENT --

Kaya, bakit nga ba kinakagat ng mga Olympic winners ang kanilang medalya.

Ito ay dahil sa hinihingi ito ng mga photographers.

Sinabi ni David Wallechinsky, presidente ng International Society of Olympic Historians na naging obsession na ito ng photographers.

Ikinokonsidera ang pose na pagkagat sa medalya na isang iconic shot na mabenta sa publiko.

Kaugnay nito, isang atleta ng Germany na si David Moeller, na nanalo ng silver medal sa 2010 Winter Olympics ang naputol ang kanyang ngipin sa pagkagat niya sa kanyang medalya dahil sa ito ang pose na gusto ng photographer.

Ang nasabing tradisyon ay bahagi na ng Olympics at makikita pa natin ang ganitong pose sa hinaharap.