Magpapatupad ng “major reshuffle’ ng mga chief of district offices sa buong bansa ang Land Transportation Office (LTO), at binanggit ang kanilang data ay nagsiwalat ng “underperformance”.
Sinabi ni LTO Chief Vigor Mendoza II sa isang pahayag na ang “underperformance” na aspeto sa mga opisyal ng distrito ay partikular sa pamamahagi ng plaka at paghuli ng motorsiklo na expired ang registration.
Sinabi ni Mendoza na naglabas na siya ng memorandum para ipaalam sa lahat ng regional directors ang pangangailangang magsagawa ng re-organization sa district office level.
Ang mga regional director ay binigyan ng hanggang 5 ng hapon nitong Biyernes para isumite ang kanilang mga mungkahing reassignments ng mga district officer.
Ayon kay Mendoza, layon ng balasan na matiyak ang episyente at epektibong serbisyo ng gobyerno sa taumbayan.
Sinabi niya na ang napipintong reorganisasyon ay matapos nilang nilang suriin ang buwanang mga ulat ng accomplishment, na nagpapakita na bumagal ang pamamahagi ng mga plaka ng mga, ang mga paghuli ng mga hindi rehistradong sasakyan at iba pang mga paglabag ay bumaba nang malaki, at halos huminto ang outreach licensing at mga aktibidad sa pagpaparehistro.