ctto

TUGUEGARAO CITY-Pansamanatalang sinuspinde ang “balik probinsya at alis-Cagayan” program matapos isailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Metro Manila at mga karatig na lugar.

Ayon kay Mike Pinto, head ng Technical Working Group ng balik-Cagayan, hindi na nakakapasok ang mga bus na sumusundo sa mga Locally stranded Individuals (LSIs) sa kalakhang Maynila kung kaya’t kinansela na ang lahat ng kanilang mga nakatakdang byahe.

Aniya, nabigyan na rin ng abiso ang mga inaprubahang dokumento na kasama sa mga bibyahe sana pauwi sa lalawigan maging ang mga benipisaryo ng alis-Cagayan ay nabigyan na rin ng abiso ukol sa naturang pagsuspinde.

Sinabi ni Pinto na nasa 35 katao sana na mga LSIs ang darating sa araw ng Huwebes ngunit dahil sa pagsasailalim ng MECQ ay mauudlot ang kanilang pag-uwi.

Sa ngayon, nasa 1,242 ang kabuuang bilang ng mga LSIs ang napauwi sa programang balik-probinsiya habang 1,218 naman ang naging benipisaryo na ng alis-Cagayan.

-- ADVERTISEMENT --
Tinig ni Mike Pinto

Samantala, sinabi ni Pinto na bagamat nakansela ang kanilang mga byahe,tuloy pa rin ang kanilang pagtanggap sa mga nais magpalista ng mga uuwi sa lalawigan maging ang mga babalik sa kalakhang Maynila.

Tiniyak ni Pinto na muling ipagpapatuloy ang kanilang byahe sa oras na maaari ng bumiyahe papunta sa Maynila.