Inilabas ng Ban Toxics ang Infographic laban sa mga kumakalat na mga nakakalasong laruan na posibleng ipang-regalo ngayong papalapit na ang panahon ng Pasko.
Ayon kay Thony Dizon, BAN Toxics Campaign and Advocacy Officer, layon nitong itaas ang kamalayan ng publiko at ituro kung paano matukoy at maiwasan ang mga nakakalasong laruan tulad ng lead upang matiyak ang kaligtasan ng mga bata.
Ang infographics ay pinamagatang Beware of Toxic Toys ay nagbibigay ng impormasyon laban sa mga mapanganib na kemikal na taglay ng mga produktong ito na mula pa sa ibang bansa at kadalasang walang wastong label na patok sa mga bumibili ng pangregalo para makatipid ng pera.
Dagdag pa ni Dizon, sa ilalim ng Republic Act 10620, ang Toy and Gaming Safety Act of 2013, lahat ng mga laruan na ibinebenta sa bansa ay kinakailangang may safety labeling.