
Umabot na sa personalan ang iringan sa pagitan nina Senator Imee Marcos at Senator Ping Lacson.
Nauna rito ay nilinaw ni Lacson na hindi siya bakla at walang retoke ang kaniyang mukha matapos ang naunang hamon ni Sen. Imee na magsabunutan.
Nagugat ang personalan ng dalawang mambabatas bunsod ng pagpigil umano ng Blue Ribbon Committee sa senadora na magsalita laban sa mga opisyal na sangkot sa maanomalyang flood control projects.
Iginiit ni Sen. Imee na hindi niya sinabihang bakla si Lacson at walang masama sa pagiging bakla ganun din sa mga nagpapa-enhance o nagpaparetoke.
May sariling desisyon aniya ang bawat tao sa gagawin sa kaniyang sarili sirain man niya ang kaniyang mukha, pangalan at dignidad.
Hindi naman direkta pero may panibagong patutsada si Sen. Imee kay Lacson tungkol sa tanong na “magkano”.










