Natagpuang patay sa isang sapa sa Barangay Bulalacao, Bataraza, Palawan ang isang 10-anyos na babae na isang linggo nang nawawala.

Batay sa imbestigasyon, Nobyembre 29 nang sumama ang bata sa kanyang mga kaibigan upang magtinda ng gulay sa palengke.

Pagsapit ng 7:00 p.m., nag-alok ang suspek sa ina ng mga kasama ng biktima na ihahatid niya ang mga bata.

Ayon sa dalawang kaibigan ng biktima, ibinaba sila ng suspek sa poblacion para sunduin ang kapatid nito at sinabi nitong babalikan sila ngunit isinama niya ang biktima at hindi na ito muling nakita nang buhay.

Inatasan ng pulisya ang pagsasagawa ng awtopsiya upang matukoy ang sanhi ng pagkamatay.

-- ADVERTISEMENT --

Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek at ito ay nahaharap sa kasong murder.