Natapuang patay at nakatali sa isang puno ang isang Grade 6 student na babae na ilang araw nang nawawala sa Toledo City sa Cebu.

Aksidenteng nadiskubre ang bangkay nang tangayin ng isang aso ang isang paa ng biktima, at iniuwi sa bahay ng kanyang amo.

Ayon sa may-ari ng aso, agad niyang inalerto ang mga pulis nang makumpirma niya na paa ng tao ang iniuwi ng kanyang aso.

Dahil dito nagsagawa ng paghahanap ang mga pulis sa hangganan ng Barangay Ibo at Barangay Cabitoonan.

Nakita nila ang babae na nakatali sa puno at may sintas ng sapatos sa kanyang leeg.

-- ADVERTISEMENT --

Nahiwalay din ang ulo ng biktima at naaagnas na.

Nakilala ng ina ang kanyang anak sa suot niyang jogging pants at kuwintas.

Sa pagsusuri ng mga awtoridad sa CCTV footage, nakita na sumakay ang biktima sa motorsiklo ng kanyang kamag-anak na 27 anyos.

Inaresto ang lalaki, isang mekaniko sa kanyang bahay sa Barangay Bato.

Itinanggi ng suspek na sangkot siya pagkamatay ng biktima at sinabing tumulong pa siya sa paghahanap sa nawawalang dalagita.

Ayon sa pulisya, gumagamit ng iligal na droga ang suspek at nasangkot siya sa ilang insidente na sangkot ang ilang batang babae.