Kasalukuyan pa ring inaalam ng kapulisan ang pagkakakilanlan ng isang bangkay ng lalaki na narekober mula sa chico river na sakop ng Brgy. Sta Felicitas, Sto Niño, Cagayan.

Ayon kay PCorp Roldan Agcaoili ng PNP- Sto Niño, hindi pa aniya nila tukoy ang pangalan ng kanilang natagpuang bangkay na naiahon mula sa ilog dahil sa ito ay nasa state of decomposition o naaagnas na.

Unang nakita ang bangkay na palutang lutang sa ilog na sakop ng Brgy Foresaw hanggang sa ito ay napadpad at nakita ng isang binatilyo sa Brgy. Sta Felicitas na wala nang damit pang-ibaba na posibleng natanggal dahil sa malakas na agos ng tubig.

Ito ay nagkaka-edad ng 30 hanggang 40 at nakasuot ng dilaw na pang-itaas na damit na may markings na stanley.

Tinatayang nasa tatlong araw na rin na patay ang biktima na dahil sa pagkalunod

-- ADVERTISEMENT --

Nakikipag-ugnayan na rin ang kapulisan sa mga karatig na bayan na malapit sa pinagkunahanan ng bangkay ng biktima para sa kanilang karagdagang pagsisiyasat at pagkakakilanlan nito

Samantala, inirekomenda na rin ng municipal doctor na pansamantalang ilibing sa public cemetery ang narekober na bangkay.