Wala pang kamag-anak ang kumukuha sa bangkay ng isang lalaking natagpuang palutang-lutang sa ilog ng Brgy Buenavista, Santa Maria, Isabela.

Ang biktima na tinatayang nasa edad 30-35 ay tinatayang ay nasa state of decomposition na nang matagpuan ng isang residente sa ilog.

Tinatayang nasa 5’5″ ang taas at katamtaman ang pangangatawan nito na nakasuot ng puting t-shirt at red pants.

Ayon kay PMAJ Abdel Aziz Maximo, hepe ng PNP Santa Maria, posibleng nalunod ang biktima dahil walang nakitang anumang sugat sa katawan nito.

Nanawagan ang pulisya sa mga nawawalan ng kamag-anak na makipag-ugnayan sa kanila kung saan nagbigay na rin sila ng flash alarm sa mga kalapit na lugar.

-- ADVERTISEMENT --