Natagpuan na ang bangkay ng isang 14-anyos na binatilyo na nalunod sa Chico River na bahagi ng Barangay Sta Barbara, Piat, Cagayan noong February 14.

Ayon kay Jamilla Rose Tangilan station manager ng Task Force Lingkod Cagayan (TFLC) Tuao nakita umano ang bangkay ng biktimang grade 9 student na palutang lutang bandang alas kwatro ng hapon kanina sa Chico river na bahagi ng Brgy. Centro Norte sa bayan ng Sto. niƱo.

Aniya, nakilala umano ang biktima matapos kumpirmahin ng kanyang ama ang pagkakakilanlan nito.

Maalala na pasado alas tres ng hapon umano nitong February 14, 2025 nang magkayayaang maligo ang biktima kasama ang apat na kaibigan nito na pawang mga menor de edad.

Habang naliligo ay napunta aniya sa malalim na bahagi ng ilog ang biktima na dahilan ng kanyang pagkalunod.

-- ADVERTISEMENT --

Hindi naman aniya nagawang tumulong ng kanyang mga kaibigan dahil na rin sa lakas ng agos ng tubig sa nasabing ilog.