JUST IN:Narekober ang bangkay ng isang lalaki sa bahagi ng Cagayan River sa Brgy Cataggaman Nuevo,Tuguegarao City…

Nai-post ni DZGR Bombo Radyo Tuguegarao noong Martes, Marso 26, 2019

Tinatayang nasa edad 40 pataas ang natagpuang bloated na bangkay ng isang lalaki na palutang-lutang sa Cagayan river na sakop ng Barangay Cataggamman Nuevo, Tuguegarao City.

Ayon sa pulisya, isang residente na nangunguha ng kahoy ang nakakita sa bangkay na may taas na 5’5” talampakan, katamtaman ang pangangatawan, may bigote at nakasuot ng camouflage na pantalon at maroon t-shirt.

Kasabay nito, hinimok ng pulisya ang nawawalan ng kamag-anak na makipag-ugnayan sa kanila at tumulong na kilalanin ang bangkay.