Natagpuang patay at palutang-lutang sa Cagayan river ang isang hindi pa nakikilalang lalaki sa bahagi ng Barangay Cataggamman Nuevo, Tugauegarao City.

Nabatid na isang residente na kumukuha ng panggatong ang nakakita sa floating cadaver na nakasuot ng itim na pang-itaas at shorts.

May tama umano ng bala ng baril ang nasabing lalaki na tinalian ng dalawang gallon na may lamang buhangin at bato.

Dinala na sa isang punenarya sa lungsod ang bangkay ng biktima habang inaayos na ng mga otoridad ang request para sa post mortem examination.

Nanawagan naman ang pulisya sa sinumang nawawalan ng kamag-anak na makipagtulungan sa kanilang hanay upang mapabilis ang pagtukoy sa biktima.

-- ADVERTISEMENT --

—with reports from Bombo John Andrew Caronan