TUGUEGARAO CITY-Kasalukuyan nang iniimbestigahan ang sanhi ng pagkamatay ng isang lalaki na natagpuang wala ng buhay at palutang-lutang sa ilog sa bayan ng Lasam.

Ayon ay Police Master Sergeant Richmond Tagabin ng PNP-LASam,agad ipinagbigay alam sakanilang himpilan nang makita ang bangkay ng biktima na si Eric Marcos Fernando ,28 ng brgy callapangan norte ng mga magsasaka ,umaga ng mayo 21 na palutang-lutang sa ilog na bahagi ng Brgy Minanga Sur.

Nakilala naman ang biktima nang magtungo ang pinsan ng biktima na hindi na pinangalan sa kapulisan nang malaman na may natagpuang bangkay.

Positibo namang kinilala ang biktima na iyon nga ang kamag-anak na nawawala ,mula pa noong mayo 18.

Nabatid na umaga ng nasabing araw ilang residente umano ang nakakita sa biktima na nasa tabi ng ilog at nasa impluwensiya ng nakalalasing na inumin.

-- ADVERTISEMENT --

Kaugnay nito, sinabi ni Tagabin na batay sa pagsusuri ng mga duktor, namatay ang biktima dahil sa pagkalunod.