Narekober ng mga otoridad sa ilog na sakop ng Brgy Sta. Barbara, Piat ang mga labi ng isang college student na nalunod sa Chico River sa Brgy. Fugu Tuao Cagayan kahapon.

Kinilala ang biktima na si Mark Dominick Costales, 20 anyos at residente ng Brgy. Fugu.

Sinabi ni PMSGT Roel Pagulayan, imbestigador ng PNP Piat na sa kanilang imbestigasyon ay nagtungo sa ilog ang biktima kasama ang kanyang mga kamag-anak upang linisan ang mga kagamitan na ginamit nila sa kasalan ngunit hindi napansin ng mga kasamahan nito ang pagtawid niya sa ilog papunta sa kabilang bahagi nito.

Nagulat nalamang aniya ang mga kasama niya ng makita siya na nasa gitna o malalim na bahagi na ng ilog na humihingi ng tulong kaya’t agad naman silang humingi ng tulong sa mga rescue team.

Inihayag ni Pagulayan nahawakan pa ng mga rescuer ang kamay ng biktima ngunit nabitawan din ito dahil sa pagpupumiglas na dulot na rin ng pagkalunod at hindi niya nagawang makaahon dahil na rin sa lalim ng ilog at bilis ng agos ng tubig.

-- ADVERTISEMENT --