CTTO: Steve Labrador

Umakyat na sa siyam ang naitalang patay sa nangyaring malakas na pagyanig sa Batanes matapos marekober ang bangkay ng isang nawawalang residente.

Sa panayam ng Bombo Radyo, kinumpirma ni Itbayat Mayor Raul De Sagon na manu-manong nahukay ang bangkay ng biktimang si Edwin Ponce sa isang kuweba sa Barangay Sta Maria pasado alas dos ngayong hapon.

Ayon kay De Sagon, nailibing ng buhay ang biktima sa kuweba kung saan umano ito natulog nang mangyari ang 5.9 magnitude na lindol noong Sabado ng umaga.

Agad itong inilibing ng kanyang pamilya dahil ito ay nasa state of decomposition na.

Kasabay nito, itinigil na ng mga otoridad ang rescue operation sa lugar.

-- ADVERTISEMENT --