Natagpuang patay ang isang bagong silang na babaeng sanggol sa ilalim ng tulay sa Diversion Road, Barangay Caritan Centro, Tuguegarao City.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni PLT Isabelita Gano ng PNP Tuguegarao na pasado ala-una ng hapon, kahapon (Feb. 3) nang makita ng isang residente ang bangkay ng sanggol na nakabalot sa plastic at nangingitim ang bibig.
Hinala ni Gano ay may 1-5 days old ang sanggol o posibleng kakasisilang lamang dahil malambot pa ang katawan at nakakabit pa ang umbilical cord nito.
Dinala ang bangkay ng sanggol sa simbahan at pinabasbasan bago inilibing sa sementeryo.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga pulis upang malaman kung sino ang nagtapon ng bata sa ilalim ng Caritan Bridge (diversion).
-- ADVERTISEMENT --