Pinagbigyan ng Court of Appeals ang kahilingan ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na i-freeze ang bank accounts, mga ari-arian, at iba pang assets ni Pastor Apollo Quiboloy at kanyang siyam na associates.

Ayon sa CA, layunin ng freeze order ay upang mapigilan ang posibilidad na mailabas, matanggal, mailipat o maitago ang mga nasabing bank accounts at ari-arian.

Kabilang sa saklaw ng freeze order ang 10 bank accounts ni Quiboloy sa tatlong bangko, pitong ari-arian sa Davao City, Davao Del Norte, at Roxas City, limang sasakyan, kabilang ang Toyota Land Cruiser, at isang Cessna 150F aircraft.

Ang mga ari-arian at bank accounts naman ng KOJC ay ang mga sumusunod:

47 bank accounts with various banks
16 properties across several cities
16 vehicles
Children’s Joy Foundation:
23 bank accounts
One property
Four vehicles
Swara Sug Media Corp. (SMNI):
17 bank accounts
Five properties, including a building along EDSA
26 vehicles

-- ADVERTISEMENT --

Kasama rin sa freeze order ang mga accounts ng kanyang associates na ang mga sumusunod:

Maria Teresita Dandan: nine bank accounts, one property, and one vehicle
Helen Pagaduan Panilag: two bank accounts and one property
Paulene Chavez Canada: 27 bank accounts
Cresente Chavez Canada: four bank accounts
Ingrid Chavez Canada: seven bank accounts
Sylvia Calija Cemanes: two bank accounts
Jackielyn Wong Roy: three bank accounts
Alona Mertalla Santander: 19 bank accounts
Marlon Bongas Acobo: three bank accounts

Magkakaroon umano ng malaking impact ang freeze order sa operasyon ng mga institusyon na pagmamay-ari ni Quiboloy at KOJC.