TUGUEGARAO CITY- Nananatili pa rin ang banta ng African Swine Fever sa lalawigan ng Cagayan matapos muling naitala ang pagkamatay ng mga baboy sa apat na bayan sa probinsiya.

Sa panayam ng Bombo Radyo, kinumpirma ni Dr. Noli Buen, acting veterinarian ng pamahalaang panlalawigan

ng Cagayan ang pagkamatay ng ilang baboy sa bayan ng Claveria, Ballesteros, Piat at Aparri.

Sa bayan ng Claveria, pitong barangay ang apektado ng ASF na kinabibilangan ng Tabbugan, Luzon, Sto.

Niño, Centro 8, Dibalio, Sta. Maria, at Bacsay.

-- ADVERTISEMENT --

Nasa kabuuang 192 na mga baboy ang isinailalim sa culling o pinatay at inihukay kung saan mula ito sa

27 hog raisers.

Mula naman sa Brgy. Palloc, Zitanga at Amubuan sa bayan ng Ballesteros ang 45 na baboy sa dalawang

magsasaka.

Labing-isang baboy naman ang isinailalim sa culling sa Brgy Maguilling, Piat na mula sa isang hog

raiser habang sa Bulala, Aparri ay 60 baboy ang naapektuhan ng ASF mula sa 14 hog raisers.

Sa kabuuan ay nasa mahigit 300 baboy ang positibo sa ASF at sakop ng 500 meter radius ang isinailalim

sa culling bilang hakbang upang makontrol ang virus.